METRO MANILA – Aminado ang Department of Justice (DOJ) na mahirap para sa Bureau of Immigration (BI) na matukoy ang pagkakakilanlan ng mga imbestigador mula sa International Criminal Court (ICC) na papasok sa Pilipinas
Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, hindi basta mabeberipika o makukumpirma ng immigration ang pagkakakilanlan ng mga ito.
Gayunman, naniniwala ng DOJ na wala pang presensya ang ICC investigators dito sa Pilipinas, taliwas sa mga kumakalat na balita.
Nauna nang sinabi ni Dating Presidential Spokesperson Harry Roque na kumpirmadong nakapasok na ng Pilipinas ang mga kinatawan ng ICC at nagsasagawa na ng imbestigasyon.
Kaugnay nito, nais sana ng DOJ na makausap si Attorney Roque, upang maibahagi sa kanila ang mga impormasyong nalalaman nito hinggil sa ICC.