Dinismiss ni Judge Marlo Magdoza-Malagar ng Manila City Regional Trial Court branch 19 ang petisyon ng Department of Justice noong 2018. Layon nito na ideklarang terorista ang Commnunist Party of the Philippines at New Peoples Army(CPP-NPA).
Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, pag-aaralan nila ang desisyon ng korte. Maghahain din aniya sila ng motion for reconsideration.
“Well, we’ll file a motion for reconsideration. Then if we have to we’ll go to court of appeals. And alam nyo naman it’s something that the state has to take care of when people are attacking the state. At kailangan nating kumilos and we use the law for this purpose. And we will obey the law whatever the case may be,” ani Sec. Jesus Crispin Remulla, Department of Justice.
Batay sa desisyon ng korte, ang armadong pakikibaka ng CPP-NPA upang palitan ang gobyerno ay maituturing na rebelyon at hindi terorismo.
Sa kasong Lagman vs Medialdia, ang terorismo ay pagtatanim o paglikha ng malawakang takot sa mga tao para pilitin ang gobyerno na ibigay ang kanilang hinihingi.
Bigo din ang pamahalaan na patunayang batay sa siyam na insidente ng karahasan na binanggit nito ay nagkaroon ng malawak at di pangkaraniwang takot at panic sa mga mamamayang Pilipino.
Ito aniya ay isolated na pangyayari sa partikular lugar Mindanao tulad ng Surigao del Sur, Cagayan de Oro City.
Kabilang sa atrocities na ito ay ang pag ambush kay Datu Jumar Bucales sa Surigao del Sur noong October 4, 2020. Ang pagpatay sa isang tribu o Datu na si Benedicto Dinoy noong August 2022. Hindi napatunayan na ang mga insidenteng ito ay kagagawan ng NPA. Ang pinagbatayan lamang ng witnesses ay ang mga damit , ensemble ng mga perpetrator at may dala itong high powered firearms upang sabihing sila ay NPA.
Sa pahayag ng CPP, ipinagpasalamat nito ang desisyon ng korte na pagdismiss sa petisyon ng DOJ kung saan napatunayan aniya na walang batayan ang pagdeklara ng terorista sa CPP at NPA.
Ma-oobliga na rin aniya ang NTF-ELCAC na itigil ang ginagawang terorist branding sa CPP-NPA.
Tags: CPP-NPA