DOH, nagpaalala na sundin ang health protocols sa holiday gatherings

by Radyo La Verdad | November 14, 2022 (Monday) | 5881

METRO MANILA – Ngayong holiday season kabi-kabila na ang mga family reunions at corporate parties.

Maluwag na rin ang health protocols pagdating sa pagsusuot ng face mask indoor man o outdoor.

Subalit payo ni Department of Health (DOH) Officer In Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa publiko na maging matalino kung kailan dapat alisin ang face mask.

Dagdag pa ni Vergeire, bagamat walang umiiral na restriksyon pagdating sa edad o capacity, mainam pa rin na maging metikuloso ang mga sa mga pupuntahang pagtitipon.

Muli ring iginiit ng kagawaran ang kahalagahan na maprotektahan ang sarili laban sa COVID-19.

Sa huling tala ng DOH, sa 73.6-M Pinoy na nabakunahan na laban sa COVID-19, 20.7-M pa lang ang nakatanggap ng kanilang booster shots.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: