METRO MANILA – Iniulat ng Department Of Health (DOH) kagabi (Jan. 13) na mayroon ng Covid-19 UK variant sa Pilipinas matapos lumabas ang biosurveillance at border control efforts ng mga otoridad.
”University of the Philippines- Philippine Genome center reported today a sample that is positive for the UK variant, this is the b.1.1.7 of Covid-19” ani Doh Sec Francisco Duque III.
Ang kauna- unahang UK Covid-19 variant case sa bansa ay isagng 29 taong gulang na lalaki na residente ng Kamuning Quezon City. Kasama aniya nito sa bahay ang kaniyang magulang at kaniyang partner .
Ayon kay Health Sec Francisco Duque III, umalis sila ng Pilipinas bago matapos ang taon papuntang Dubai at tumuloy sa isang apartelle
“They departed for Dubai on December 27 for business purpose and accompanied by his girlfriend at sila po ay sinuri at lumabas ang resulta doon na negative upon arrival in Dubai” ani Doh Sec Francisco Duque III.
Dumalo sila sa isang business meeting sa Dubai kasama pa ang isang indibidwal noong December 30. Naglibot aniya ang mga ito sa malls, groceries at ilan pang tourist sites .
Dumating naman ang mga ito sa manila lulan ng emirates EK332 nitong January 7.
Pagdating sa NAIA, kaagad na na- swab ang mga ito at kaagad din na dumiretso sa isang hotel bilang quarantine facility .
Lumabas aniya ang resulta ng kanilag RT- PCR test kinabukasan, January 8
Ayon kay Sec Duque, ang babaeng partner aniya nito ay negatibo naman sa Covid-19. Nguni’t kailangan pa rin niyang sumailalim sa quarantine .
Ang mga magulang ng mga pasyente kasalukuyang naka- quarantine sa at kasalukyang mga asymptomatic. Sumailalim na rin aniya ang mga ito sa covid-19 testing
Nalikom na rin aniya ng doh ang iba pang impormasyon bago sila umalis ng pilipinas noong disyembre
Pinuntahan na aniya ng doh epidemiology sureveillance team kasama ang regional epidemiology surveillance unit ay nagtungo kay QC Mayor Joy Belmonte upang iparating ang mga impormasyong hawak ng DOH.
Sa isang pahayag ayon sa Quezon City Government nagsagawa na sila ng contact tracing ng mga close contacts mga ito gaya ng mga nakasalumuha nila pagdating sa bansa.
Ang mga ito ay ang mga healthcare workers sa isolation facilty, Brgy. Health Emergeny Response Teams (BHERTS) na nagdala sa pasyente sa isolation facility mula sa hotel.
Pinag- iingat ng LGU ang mga residente at maging mapagmatyag nguni’t huwag aniyang mag- panic
Patuloy pa rin na sundin ang minimum public health standards lalo’t sa pamamagitan pa rin ng droplet transmission naihahawa ang Covid-19 new variant.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: UK Covid-19 Variant