DOH, binalaan ang publiko sa fake news na may DOH hospital na naka-lockdown

by Radyo La Verdad | October 6, 2023 (Friday) | 12279

METRO MANILA – Itinanggi kahapon (October 5) ng Department of Health (DOH) ang isang kumakalat na mensahe na nagsasabing isang ospital ng kagawaran ay naka-lockdown dahil sa pasyente na may Coronavirus.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na ang nasabing mensahe ay peke dahil wala umanong hospital ngayon na naka-lockdown at ang lahat ng DOH hospitals sa bansa ay nananatiling bukas at operational.

Binalaan ng ahensya ang publiko na maging maingat sa pagbabahagi ng impormasyon at kumuha lamang ng balita ukol sa kalusugan mula sa opisyal na plataporma nito.

Dagdag pa nito, hindi maaaring maglabas ang DOH-Epidemiology Bureau ng pinakabagong ulat ukol sa vaccine accomplishment hanggang maayos ang migrasyon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa vaccine information management system ng DOH.

Tags: ,