DOF, pinag-aaralan na ang pagpapataw ng buwis sa Video Streaming Services at Online Items

by Erika Endraca | May 21, 2020 (Thursday) | 6826

METRO MANILA – Pinag-aaralan na ng Department of Finance (DOF) ang pagpapataw ng buwis sa online streaming services at online items.

Ayon kay Finance Secretary Sonny Dominguez, katuwang Ng Bureau Of Internal Revenue ay sinimulan na nilang pag-aralan ang pag-implementa ng tax collection program para sa mga online transactions para sa internet streaming at pagbabayad ng vat sa online shopping.

Bago nito, naghain ng resolusyon si Senator Ramon Revilla Jr. na layong pag-aralan ang posibilidad ng pagpapataw ng buwis sa online streaming services at digital economy.

Isang kaparehong panukalang batas naman ang inihain ni Albay Representative Joey Salceda sa kamara.

“Right now our team from the BIR and from the DOF is working very hard to determine the way to tax transactions that are supposed to be taxed but are escaping taxation because they are on the internet.” ani DOF Secretary Sonny Dominguez.

Tags: ,