DMW, magbibigay ng support fund sa pamilya ng OFWs na nasalanta ng lindol

by Radyo La Verdad | July 29, 2022 (Friday) | 3719

METRO MANILA – Naglaan ng P20-M support and assistance fund ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) families na naapektuhan ng 7.3 magnitude na lindol sa northern Luzon, sa utos ni DMW Secretary Susan “Toots” Ople.

Ayon sa kalihim, paunang tulong pa lamang ito sa mga naapektuhan at inatasan na rin niya ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tumulong at humanap ng mga paraan kung paano pa makatutulong ang DMW.

Dagdag pa ni Ople, nakikipag-ugnayan na rin siya sa Home Development Mutual Fund (HDMF), o PAG-IBIG Fund hinggil sa emergency load application ng mga OFW families na naapektuhan ng pagyanig.

Samantala, maaari magpasa ang mga nasalanta ng DMW financial assistance application sa pinaka malapit na OWWA office, kinakailangan lamang magdala ng patunay na may kamag-anak na OFW na kasalukuyang nasa ibayong dagat.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,