Dismissal order ng Ombudsman kina resigned PNP Chief P/Dir. Gen. Alan Purisima, handa nang isilbi ng pamunuan ng PNP

by Radyo La Verdad | July 1, 2015 (Wednesday) | 6295

GEN ESPINA
Ipapatupad ng pamunuan ng Philippine National Police ang dismissal order ng Office of the Ombudsman laban kina resigned PNP Chief P/Dir. Gen. Alan Purisima at sampung iba pa.

Ito’y dahil sa pagpasok sa kontrata ng Werfast Courier na siyang nagde-deliver ng mga lisensya ng baril.

Ayon kay PNP OIC P/DDG Leonardo Espina, immediately executory ang utos ng korte kaya’t agad nya itong ipahahatid sa tahanan ng mga na dismiss na opisyal.
Sinabi pa ni Espina na base sa utos ng Ombudsman, hindi na rin makukuha ng mga ito ang kanilang mga benipisyo kapag nag retiro.
Kabilang sa mga natanggal sa serbisyo ay sina:

P/Dir. Gen. Alan Purisima
P/CSupt. Raul Petrasanta
P/CSupt. Napoleon Estilles
P/SSupt. Allan Parreño
P/SSupt. Eduardo Acierto
P/SSupt. Melchor Reyes
P/Supt. Lenbell Fabia
P/CInsp. Sonia Calixto
P/CInsp. Nelson Bautista
P/CInsp Ricardo ZapataJjr.
P/SInsp. Ford Tuazon

Sinabi naman ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na ang naturang hakbang laban kay Purisima ay isang patunay na walang pinipili ng pagpapatupad ng batas.

Tags: , ,