DILG , nagpaalala sa publiko tungkol sa kumakalat na fake news patungkol sa bakuna at ayuda

by Erika Endraca | August 6, 2021 (Friday) | 7528

METRO MANILA – Nagpaalala at mariing pinabulaanan ng DILG ang ang publiko sa kumakalat na fake news tungkol sa
bakuna at ayuda.

Ayon sa ahensya, walang katotohanan at fake news ang kumakalat na hindi makakatanggap ng
ayuda ang mga hindi nabakunahan.

Dagdag pa ng DILG, ang Ayuda 2 na piniramhan ng Pangulo ay para sa mga low-income individual and family sa National Capital Region , nabakunahan man o hindi.

Samantala , magpapatuloy pa rin ang vaccination program kahit nakasailalim sa 2 Linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila.

Ikokonsidera naman Authorized Persons Outside Residence (APORs) at paparaanin sa mga checkpoint ang mga naka-schedule sa vaccination.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,