DILG, nagpaalala sa mga foreign tourists na huwag sumali sa mga kilos-protesta

by Radyo La Verdad | November 14, 2017 (Tuesday) | 2668

Nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government sa mga foreign tourist sa bansa na huwag makiisa sa mga isinasagawang kilos-protesta ng mga militanteng grupo.

Ayon kay DILG Officer in Charge Catalino Cuy, ang pribilehiyo at karapatan umano ng pagpapahayag ng political views ay eksklusibo para sa mga  Pilipino.

Ipinagbabawal umano sa batas na makiisa ang mga foreigner sa mga political activity sa bansa tulad ng pagsali sa kahit anong paraan sa mga rally kahit ito ay kontra o pabor sa pamahalaan.

Babala ni Cuy, maaring ipa-deport ang sinomang turista na mapapatunayang nakikiisa sa mga aktibidad na makagagambala sa isinasagawang international event sa bansa.

Ginawa ng  DILG ang pahayag matapos na mamataan ang ilang foreigner sa mga kilos-protesta na isinasagawa sa Maynila kasabay ng ASEAN Summit.

 

 

Tags: , ,