Digitalization sa gobyerno, nais nang madaliin ni Pang. Marcos Jr.

by Radyo La Verdad | December 7, 2022 (Wednesday) | 3162

METRO MANILA – Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapabilis na ang digitalization sa gobyerno upang mapabilis na rin ang mga transaksyon at mapagaan ang proseso ng pagnenegosyo sa bansa.

Ito ang naging sentro ng talumpati ng pangulo sa kaniyang pagdalo sa Telcom Summit sa Pasay City.

Ayon sa pangulo , kailangan na itong maipatupad upang makabangon ang bansa mula sa pandemya.

Nababagalan rin si Pangulong Marcos Jr. sa internet connection sa bansa.

Mahalaga aniya ang internet connection lalo na sa mga malalayong komunidad.

Nangako naman ang pangulo na pabibilisin ng gobyerno ang paglalabas ng permits at licenses sa mga telco para sa pagtatayo ng internet infrastructure sa bansa upang mas mapaganda pa ang kanilang serbisyo.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: , ,