DICT tiniyak na maaari pa rin makakuha ng bagong SIM card sakaling mawala o manakaw ang cellphone

by Radyo La Verdad | January 20, 2023 (Friday) | 1554

METRO MANILA – Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na maaari pa rin makapag-request ng bagong sim card.

Paliwanag ni DICT Spokesperson Ana Mae Lamentillo, kailangan lamang pumunta sa kanilang Telco provider at magdala ng valid ID.

Kailangan din nilang magsumite ng affidavit of loss ng kanilang sim card para makapag-request ng bago at makapag-transfer ng ownership.

Nagbabala naman ang ahensya na mahaharap sa matinding parusa ang sinomang magnanakaw ng sim card o magbibigay ng maling impormasyon sa sim registration.

Samantala, maglalagay ng one-stop-shop ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa sim users na nangangailangan ng government ID.

Layon nitong matulungan ang mga sim user na nangangailangan ng valid ID para makapagparehistro.

As of January 17, may 21,782,509 ang registered sim card o 12.89% ng kabuang bilang ng active sim cards sa bansa.

Tags: ,