METRO MANILA – Mahirap na proseso ang verification ng mga mobile numbers na patuloy na nakapagpapadala ng spam at scam messages.
Ayon kay Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) Executive Director Alexander Ramos, may mga pangalan aniya sa probinsya na nakarehistro ang numero pero ang pag-atake ay galing sa Maynila.
Sa sunod-sunod na raid na isinagawa ng CICC kung saan naging bahagi ang DICT, natuklasan nila na isa sa mga ginagamit ng mga sindikato ang mga pre registered sim card.
Inilapit na umano nila ito sa mga telco company.
Noong August 16, nasa 28,000 na sim cards ang nakumpisma sa ni-raid na POGO hub sa Pasay City, karamihan dito ay pre-registered na.
Isa pa sa natuklasan nila ay ang pagpasok ng mga bagong makina sa bansa kung saan hindi na nangangailangan ng sim card at pwede ng gayahin ang numero para makapag sagawa ng text blast.
Inilapit na rin nila ito sa Bureau of Customs para mapigilan makapasok sa bansa.
Sa isang opisyal na pahayag ng Globe, sinabi nito na nakahanda sila na magbigay ng suporta sa isasagawang imbestigasyon ng senado sa spam at scam messages.
(Ryan Lacanlale | UNTV News)
Tags: DICT, Scam Messages, Spam
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com