METRO MANILA – Kinokonsidera ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na trial period ang unang 2 Linggo ng pagsisimula ng SIM card registration.
Sa panahong ito inaasahang magkaroon pa ng glitches at technical issues sa mga website na binuksan ng public telecommunication entities
Sa loob ng 15 araw, patuloy na makikipag-ugnayan ang DICT sa telecommunication companies upang mas maiayos pa ang sistema upang makapag-register ang kanilang network subscribers.
Upang matugunan ang reklamo ng publiko, inilunsad ng DICT ang isang 24/7 na complaint center.
Patatakbuhin ito ng Cyber Crime Investigation and Coordinating Center (CICC). Pwede silang matawagan sa hotline number 1326
Ayon kay DICT Undersecretary Anna Mae Lamentillo, maaaring dito tumawag ang mga subscriber kung mayroon silang concern, reklamo, o suggestion sa pagpaparehistro ng kanilang nga sim card.
Kahapon (December 27) sa unang araw ng implementasyon ng SIM registration law nakaranas na agad ang ilang network subscribers ng issue sa mga website na binuksan ng telcos.
Batay sa pahayag ng Smart communications nagkaroon ng mataas na volume ng mga nagpapa-register kaya nahirapan ang ilan na ma-access ang kanilang sites.
Inaayos na anila ng kanilang technical team ang issue upang madagdagan ang capacity ng kanilang website.
Ang Globe telecom naman, inabisuhan na ang kanilang mga subscriber na subukan ulit ang website kung hindi pa agad makapasok.
Inaayos na din nila anila ang kanilang system para sa mas maayos na makapag rehistro ang kanilang mga sim user.
Inaasahang nasa 160 million users ang magrerehistro ng kanilang SIM cards kasama na ang mga gumagamit ng pre-paid sim cards at naka post-paid subscription.
Batay sa Implementing Rules and Regulation (IRR) ng batas , mula December 27, mayroong 180 days na ilalaan para sa SIM card registration at magkakaroon pa ng 120 days na extension period.
Matapos nito, lahat ng SIM card na hindi nakarehistro ay mayroon na lamang 5 araw para ihabol sa registration yung kanilang mga SIM card bago tuluyang ma-deactivate
(JP Nunez | UNTV News)
Tags: DICT, SIM Card Registration