METRO MANILA – Hahawakan na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang produksyon ng digital national ID ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, itutuloy pa rin ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang paggawa ng mga physical national ID.
Habang ang DICT naman ang mangangasiwa sa digital version ng national ID.
Dahil dito inaasahan ng NEDA na magkakaroon na ng digital national ID ang lahat ng mga Pilipino bago matapos ang taon.
Batay sa datos ng PSA, as of may 2023 mayroon nang mahigit sa 65 million physical at E-Phil IDs ang naipamahagi na sa buong bansa.