METRO MANILA – Aminado ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na hindi 100% ang kakalabasan ng mga SIM card user na maire-register sa bansa.
Ito ay dahil marami rin ang mga SIM card user na magboboluntaryong hindi i-register ang kanilang mga SIM cards.
Sa pinakabagong datos ng DICT nasa 22,337,207 o mahigit 30% ng Smart subscribers ang nakapag-register na.
20% o 18,030,042 subscribers ng Globe ang nai-register na rin at 3,302,180 o 25% ng Dito telecommunity
Kaya sa kabuuan ay naitala ang 43,669,429 SIM card users ang nai-rehistro na ayon sa ahensya.
Ngunit ang naturang numero ay nasa 25.84% lamang ng kabuuang subscribers sa bansa.
Mababa pa ito kung tutuusin dahil nasa 40 araw na lamang bago ang registration deadline.
Ayon kay Undersecretary Anna Mae Lamentillo, pwede namang palawigin ng DICT ang pagrerehistro ng mga SIM card ngunit hinihimok parin ng kagawaran ang publiko na mag-register na bago ang deadline sa April 16.
(Bernadette Tinoy | UNTV News)
Tags: DICT, SIM Card Registration