Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na protektado pa rin ng bansa ang teritoryo nito sa West Philippine Sea.
Ito ay sa kabila ng panibagong insidente ng umano’y harassment ng Chinese forces sa mga Pilipinong sundalo na nasa resupply mission sa Ayungin Shoal noong ika-11 ng Mayo.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella, nasa seryosong pakikipag-usap din ang Pilipinas sa China dahil sa sunod-sunod na insidente kabilang na ang installation ng missiles sa Spratly Island.
Tags: DFA, Spratly Island, West Philippine Sea