METRO MANILA – Kinumpirma na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang isyu sa suspension ng Kuwait sa entry at work visa ng mga Filipino.
Ayon kay DFA Assistant Secretary Paul Cortes nakatanggap na sila ng notice mula sa Kuwaiti government subalit hindi nakasaad ang dahilan ng suspension.
Una ng iniulat ng ilang pahayagan sa Kuwait na sinuspinde ang visa ng mga Filipino dahil may nilabag umano ang Pilipinas sa bilateral agreement nito sa Kuwait.
Noong Pebrero nagpatupad ang Department of Migrant Workers ng Deployment ban sa mga first time domestic workers kasunod ng pagkamatay ng ofw na si Julleebee Ranara.
Sa ngayon tanging ang mga Filipno na may residence visa ang pinapayagan na makapasok sa Kuwait.