DFA, hinihintay pa ang report ng DND kaugnay ng mga aprubadong military bases sa ilalim ng EDCA

by Radyo La Verdad | March 22, 2016 (Tuesday) | 2976

dfa
Napagkasunduan na ng Philippine at US Officials sa Washington noong Biyernes ang limang base militar sa Pilipinas ang maaring gamitin ng US Forces sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Ang mga ito ay ang Bautista Air Base at Basa Airbase na higit tatlong daang kilometro ang layo sa mga disputed territory sa West Philippine Sea, ang Major Army Training Camp sa Norte na Fort Magsaysay sa Nueva Ecija at ang dalawang air bases sa Central at Southern Island ang Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro City at ang Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu City.

Ngunit tumanggi munang magpahayag ang DFA ukol dito at sinabing hinihintay pa nito ang report ng mga dumalo sa pulong.

(UNTV NEWS)

Tags: ,