DFA, bineberipika ang ulat na may isang pilipino na kasama sa tatlumpu’t tatlong hinuli sa anti-terrorist crackdown sa Saudi Arabia

by Radyo La Verdad | February 3, 2016 (Wednesday) | 1307

SAUDI-ARABIA
Patuloy ang isinasagawang crack down ng Saudi Arabia sa mga hinihinalang may kinalaman at nagpaplano ng paghahasik ng kaguluhan sa bansa.

Ayon sa pinakahuling ulat ng mga Saudi Police 33 ang nahuling hinihinalang mga terorista mula lunes hanggang huwebes noong nakaraang linggo at isa rito ay isa umanong pilipino.

14 sa mga suspect ay Saudi Nationals, 9 ay Americans, 3 ay Yemeni, 2 Syrian Nationals, isang Emirati Indonesian Kazakhstan National at Palestinian.

Hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang embahada ng Pilipinas dito sa Riyadh patungkol sa nasabing OFW

Ayon naman sa text message ni Department of Foreign Affairs Spokesperson Asst. Secretary Charles Jose, ibe-verify pa nila ang naturang impormasyon

Sa ngayon ay pinapayuhan ang ating mga kababayan na patuloy na sumunod sa security measures at protocols na ipinatutupad sa bansa lalong lalo na ang palagiang pagsunod sa batas ng Saudi Arabia.

(Maybelle Razon/UNTV News)

Tags: , ,