DFA at Comelec, wala pang planong ipagpaliban ang voter registration ng mga Pilipino sa ibang bansa

by Erika Endraca | March 6, 2020 (Friday) | 68628

METRO MANILA – Wala pang plano ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Commission On Elections (COMELEC) na ipagpaliban ang voter registration sa ibang mga bansa sa kabila ng banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay DFA Undersecretary Brigido Dulay tuloy naman ang pamumuhay sa maraming bansa sa kabila ng coronavirus Outbreak kaya walang dahilan para itigil ang pagpaparehistro ng mga gustong makaboto sa darating na halalan.

Plano naman ng poll body na bumuo ng mobile app para sa voter registration na kanilang gagamitin sakaling lumala ang sitwasyon.

Kapag nabuo na ang app ay kanilang dadalhin ito sa Kongreso para ma-aprubahan.

“Sa ibang lugar katulad ng China may bang luagar doon Wuhan Hubei na talagang lock down pero wala naman po doon ang ating embahada o konsulada kaya nakakapag-register po iyong ating mga kababayan.” ani Civilian Security and Consular Concerns Undersecretary Brigido Dulay.

“Wala kaming suspension ng registration of voters so tuloy-tuloy po ang voter registration hanggang October 30,2021 para sa Overseas Voters.” ani Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,