Desisyon pabor sa martial law sa Mindanao, pinagtibay ng Supreme Court

by Radyo La Verdad | December 5, 2017 (Tuesday) | 4793

Pinagtibay ng Supreme Court ang kanilang desisyon nitong nakaraang Hulyo pabor sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao. Sampung mahistrado ang bumoto upang i-dismiss ang tatlong motions for reconsideration ng mga petitioner.

Nais naman nina Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Justice Alfredo Benjamin Caguioa na limitahan ang martial sa mga lalawigan ng Lanao del Sur, Maguindanao at Sulu habang si Senior Associate Justice Antonio Carpio ay nais na ipatupad lamang ito sa Marawi City.

Tanging si Associate Justice Marvic Leonen ang bumoto upang bawiin ang deklarasyon ng martial law.

 

Tags: , ,