Tila nababahala ang International Criminal Court (ICC) sa maaaring kahihinatnan sa pagkalas sa kanila ng Pilipinas.
Ito ang pananaw ni Senator Vicente Sotto III matapos niyang matuklasan na may binabayad ang bansa sa ICC.
Para kay Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, walang posibilidad na magbago ngayon ang desisyon ni Pangulong Duterte na pagkalas sa Rome Statute na siyang lumikha sa ICC.
Ayon pa sa kalihim, hindi rin maituturing na epektibo ang treaty na ito ng Pilipinas dahil hindi nailathala sa Official Gazette.
Sa kabila nito, patuloy aniya ang konsultasyon ng DFA sa solicitor general at DOJ tungkol sa usapin na ito.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: DFA Sec. Cayetano, ICC, Pangulong Duterte