Deployment ban ng OFW, posibleng ipatupad rin sa ibang bansa ayon kay Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | February 21, 2018 (Wednesday) | 2295

Muling umapela si Pangulong Rorigo Duterte sa Kuwait at iba pang Arab countries na tratuhing mabuti ang mga Overseas Filipino Workers.

Sa kabila ng mga pagtutol, binigyang-diin ng Pangulo na magpapatuloy ang deployment ban ng OFW sa bansang Kuwait at posibleng mapalawig pa sa ibang bansa.

Kasabay nito, nangako ang Punong Ehekutibo na magpapatuloy ang pamahalaan sa pagsusulong ng ekonomiya ng bansa at sa pagbibigay ng livehood assistance para sa mga repatriated OFWs sa pamamagitan ng Department of Trade and Industry o DTI.

Pinayuhan naman ng Pangulo ang ibang manggagawang Pilipino na ikonsidera ang ibang alternative employment options tulad sa bansang China.

Samantala, isang resolusyon naman ang inihain sa Senado ni Senator Sherwin Gatchalian para pag-aralan ang magiging epekto sa ekonomiya ng Pilipinas sa ipinatutupad na deployment ban ng mga OFW sa Kuwait.

Kinumpirma naman ng Malacañang na nananatili ang imbitasyon ng Kuwaiti government kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita sa kanilang bansa.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,