DepEd, bubuo ng National Mathematics Program dahil sa umano’y ‘Learning Gaps’ sa Math

by Radyo La Verdad | November 21, 2022 (Monday) | 12481

METRO MANILA – Bilang tugon sa learning gap na dulot ng COVID-19 pandemic at magkaroon ng foundational competencies ang mga mag-aaral sa basic education sa bansa pagdating sa asignaturang Matematika.

Bubuo ang Department of Education (DepEd) ng National Mathematics Program na naglalayung i-promote ang better numeracy at mathematics achievement sa mga paaralan partikular sa elementary at secondary education.

Sa inilabas na Memorandum Order No. 110 series of 2022 ng DepEd, sinabi rito na batay sa International Large Scale Assessments, karamihan sa mga batang Pilipino ay nahuhuli sa Mathematics Achievement sa kani-kaniyang antas.

Ayon sa DepEd, lubhang kailangan ngayon lalo na sa baitang Elementarya na makakuha ng mas malawak na kaalaman at kakayahan ang mga mag-aaral sa pagbibilang at Mathematics development.

Kaugnay nito, inilatag na ng DepEd ang mga tauhan nito na kasama sa steering committee at technical working group na inatasang bumuo at tututok sa National Mathematic Program.

Kabilang rin sa magiging papel ng steering committee ay ang pag-review sa progress ng pagbuo ng Nat’l Mathematics Program, adjusting strategies and pagsasaayon sa anomang makikitang issues at risk at makikipag-ugnayan sa mga stakeholders at partners.

Ang Technical Working Group (TWG) naman ang siyang tututok sa pag-formulate ng disenyo ng proposed National Mathematics Program kasama na ang workplan, budget, timelines na sumusunod sa rules and regulations.

Wala pang nabanggit ang DepEd na timeline kung kailan inaasahang matatapos ang pagbuo ng nasabing programa.

(Janice Ingente | UNTV News)

Tags: ,