Mga pangyayari noong Martial Law, isasama ng Deped sa K to 12 curriculum

by Radyo La Verdad | March 7, 2016 (Monday) | 2680

DEPED
Isasama ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng K to 12 curriculum ang pagtuturo sa mga nangyari noon sa Pilipinas sa ilalim ng Martial Law.

Ito ay sa gitna ng mga puna na hindi na nabibigyan ng sapat na kaalamanang mga kabataan sa panahon ng Martial Law.

Ayon sa DepEd, ang curriculum guide ng Grades 5 at 6 ng Araling Panlipunan ay dinisenyo upang bigyan-daan ang mas malalim na pagtalakay sa Martial Law period at Philippine History.

(UNTV RADIO)

Tags: