DENR, nagbabala sa posibleng water supply shortage kung hahaba ang epekto ng El Niño

by Radyo La Verdad | December 20, 2023 (Wednesday) | 12194

METRO MANILA – Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na posibleng magkaroon ng kakulangan sa supply ng tubig kung hahaba ang epekto ng El Niño sa bansa.

Ayon sa Water Resources Management Office ngayon palang ay kailangan nang magtipid ng tubig  kung ayaw matulad sa water crisis noong 2019.

Paliwanag ni DENR Undersecretary Carlos Primo David, sa Hunyo ay posibleng bumaba sa 180 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam na siyang minimum operating level nito.

Sa ngayon ay mahigit pa sa 213 meters ang imbak nitong tubig na mas mataas na sa normal high water level.

May mga bagong treatment plant anila na itinayo sa Laguna lake na inaasahang malaki ang maitutulong kapag bumaba ang lebel ng angat dam.

Kumpyansa ang Maynilad at Manila Water na hindi magkakaroon ng krisis sa tubig sa susunod na taon.

Inaasahan din anila na sa kalagitnaan ng taon ay magkakaroon narin ng mga pag-ulan.

Tags: ,