Delivery ng Physical National IDs target makumpleto ng PSA sa September 2024

by Radyo La Verdad | September 26, 2023 (Tuesday) | 1230

METRO MANILA – Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makumpleto ang delivery ng physical cards ng national ID pagsapit ng September 2024.

Ito ang inihayag ng PSA sa isinagawang Senate Hearing kahapon (September 25).

Ipinaliwanag ni National Statistician Undersecretary Dennis Mapa na ang dahilan ng backlog sa physical national ID ay bunsod ng limitadong card printing capacity.

Ayon sa opisyal aabot lamang sa 80,000 physical identification cards ang kayang i-accomodate sa loob ng 1 araw, gayong dagsa na ang bilang ng mga kababayan nating nakapagparehistro na sa national ID mula pa noong 2021.

Sa datos ng PSA sa ngayon ay maroon nang 81 million ng mga Pilipino ang rehistrado na sa Philippine Identification System.

Gayunman nasa 39.7 Million pa lamang sa mga ito ang nabigyan ng pyhsical national ID, habang 41.2 Million naman ang naisyuhan ng printed E-Phil ID.

Tags: