Deliberasyon ng 2023 proposed national budget, sinimulan na ng kamara

by Radyo La Verdad | August 26, 2022 (Friday) | 5010

Nais ng mababang kapulungan ng kongreso na maging transparent o bukas ang deliberasyon upang masigurong maayos na nailalang ang pondo ng bansa sa bawat ahensya ng gobyerno.

Sa panimula ng budget deliberation, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na ang proposed budget ng para sa taong 2023 ay nakalinya sa layon ng pamahalaan na makabangon ang ekonomiya sa gitna ng Covid-19 pandemic.

Kasama rin sa pagbangon ng ekonomiya ang pagkakaroon ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino at mapababa rin ang bilang ng mga naghihirap na Pilipino.

Nais din paglaanan ng kamara ng pondo ang sektor ng agrikultura upang masigurong may sapat na suplay ng pagkain para sa susunod na taon.

Kabilang din sa layon ng 2023 proposed national budget ang pagpapababa ng presyo ng langis at pamasahe.

Ayon kay House Speaker Romualdez, sisikapin nilang maisaayos ang pondo ng bansa base sa nasabing economic agenda ng Pangulo. Ilan nga ito sa 8-point economic agenda na inilahad ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa kaniyang state of the nation address.

Nasa 5.268 trillion pesos ang panukalang pondo para sa taong 2023.

Sa ngayon, inilalahad ng Development Budget Coordination Committee ang kanilang outlook at framework para sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa. Pagkatapos nito ay magsisimula na ang interpellation ng mga mambabatas.

Tiniyak ng mga mambabatas na maaprubahan nila sa plenaryo ang 2023 proposed national budget bago mag October 1.

(Aileen Cerrudo – UNTV News)

Tags: ,