Delfin Lee, inakusahan ng extortion si VP Binay

by Radyo La Verdad | April 13, 2015 (Monday) | 4316

IMAGE_MAR102014_PHILIPPINE-NATIONAL-POLICE_PHOTO_DELFIN-LEE_MUGSHOT

Isang pahayag mula kay Delfin Lee ang binasa kanina sa Senado ng kanyang abogado na si Atty. Willie Rivera.

Nilalaman ng statement ni Lee na hiningan siya ng isang isang Gerry Limlingan na kilalang malapit kay Vice President Binay nang 200 million pesos upang hindi ituloy ang pagsampa ng kaso laban sa kanya.

Si Lee ay kasalukuyang nakakulong ngayon sa Pampanga dahil sa kasong syndicated estafa.

Ayon sa statement ni Lee, hinimok din umano sya ni Limlingan na gumawa ng hindi totoong kwento laban sa Dating Bise Presidente na si Noli de Castro.

Hindi umano pumayag si Lee sa lahat ng pangingikil na ito, at ang naging resulta ay ang pagpapakulong sa kanya ng Pagibig Fund na ngayon ay pinamumunuan ni Vice President Binay.

Itinanggi ni Lee ang mga paratang na may utang ang kanyang kumpanya na 6.5 billion pesos. At ang mga umano’y ghost buyers at double sale sa kanyang mga units.

Kinontra naman ito ni Pagibig President and CEO Atty. Darlene Berberabe.

Nilinaw ni Atty Berberabe na walang naging utang ang Globe Asiatic at ang tanging mga ghost buyers at double sale sa ilang units ang inirereklamo laban dito.

Kumbinsido si Trillanes sa paliwanag ni Berberabe laban sa kasong syndicated estafa na isinampa laban kay Lee.

Ayon sa abogado ni Lee, nag-umpisa ang lahat ng problema ng kanyang kliyente ng matapos na magbigay ng campaign funds noon.

Sinabi din ni Lee na tumanggap ng suhol ang Judge ng Regional Trial Court ng San Fernando,Pampanga na si Amifaith Fidee Reyes upang maglabas ng order na hindi siya pinapayagang tumestigo sa pagdinig ng senado ngayong araw.

Hiniling din ni Lee na imbestigahan si Judge Reyes dahil tumatanggap ito ng allowance at nabigyan ng isang Toyota Innova ng gobyerno ng Makati City..

Si Judge Reyes ang humahahawak sa syndicated estafa case ni Delfin Lee kaugnay ng maanomalyang kontrata ng Pagibig Fund at ang Globe Asiatic. ( Darlene Basingan/ UNTV News Worldwide )

Tags: , , , , , , , ,