Acmad Moti, itinalagang OIC ng PAGIBIG Fund kasunod ng pagbibitiw ni Atty. Darlene Berberabe

by Radyo La Verdad | March 6, 2017 (Monday) | 3084


Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ng Chief Executive Officer at presidente ng Home Development Mutual o PAGIBIG Fund na si darlene Berberabe.

Ang Deputy Chief Executive Officer ng PAGIBIG at Senior Vice President ng IT Sector na si Acmad Moti ang itinalagang officer-in-charge ng Malacañang.

Mahigit anim na taon ring nagsilbi si Berberabe bilang CEO at pangulo ng PAGIBIG at sa ilalim ng kanyang pangangasiwa ay dumami ang membership ng ahensiya sa 17-milyon mula sa dating sampung milyon noong 2010.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,