Delegasyon ng Nokor, bumisita sa Seoul upang tingnan ang venue ng 2018 Olympics

by Radyo La Verdad | January 23, 2018 (Tuesday) | 1226

Pagkatapos na magkapirmahan ang North at South Korea sa harap ng International Olympic Committee sa Switzerland ay busy na ang dalawang Korea para sa nalalapit sa Winter Olympics.

Kahapon nga ay bumisita ang isang delegasyon ng North Korea sa Seoul upang i-check ang venue ng mga games at kung saan sila magpeperform.

Pinangunahan ni Hyom Song Wol ang pagbisita sa South Korea. Ang kaniyang grupo ang magpeperform sa cheering competition ng olympic games.

Bahagi ito ng kasunduan ng North at South Korea na magmamartsa sa ilalim ng isang flag at maglalaro sa isang games, particulalry sa ice hockey.

Naniniwala ang mga opisyal ng South Korea na ang olympics ay magbibigay ng pagkakataon upang mabuksan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang Korea.

 

( Eric Ferrer / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,