Deportasyon ng crew ng MV Jin Teng, isasagawa pagkatapos ng imbestigasyon

by Radyo La Verdad | March 9, 2016 (Wednesday) | 1536

MV-Jin-Teng
Tuluyan ng i-impound ng Philippine Coast Guard ang MV Jin Teng, isang UN-blacklisted North Korean vessel batay na rin sa inilabas ng UN Security Council Resolution laban sa Pyongyang.

Ayon kay PCG Spokesperson Lt. Commander Armand Balilo, iho-hold muna nila ang nasabing barko hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon.

Ayon naman sa DFA, pagkatapos ng lahat imbestigasyon ay sasailalim sa deportation proceedings ang mga tripulante ng barko.

Iniimbestigahan ng pamahalaan ang MV Jin Teng dahil sa hinalang may dala itong weapons of mass destruction.

Tags: , ,