Debate sa Senate plenary para sa pagpapasa ng 2020 proposed budget, sinimulan na ngayong araw

by Radyo La Verdad | November 12, 2019 (Tuesday) | 7563

Idinidepensa na ngayong umaga ni Senate Committee on Finance Chairman Senator Sonny Angara ang 4.1 trillion pesos 2020 proposed budget sa plenaryo.

Si Senador Panfilo Lacson ang bumubusisi ngayon sa nilalaman ng panukalang budget. Naitanong ng Senador ang tungkol sa estado ng tax collection at tungkol sa mga unprogrammed funds na umaabot sa 103 billion pesos.

Naipaliwanag naman ito ng Budget Department sa pamamagitan ni Senator Angara. Nagiging maayos na aniya ang Revenue Collection sa bansa sa gitna may isyu sa tax collection efficiency.

Sumunod na nagtanong si Senate Minority Leader Franklin Drilon. Kung saan binusisi naman niya ang Build Build Build program ng administrasyon.

Sa 75 Flagship projects kasi ng administrasyon, 9 pa lamang umano  ang nasisimulan. May malaking epekto aniya ang estado ng infrastructure projects sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: , ,