Isinusulong ng Volunteers against Crime and Corruption (VACC) ang pagbalik ng parusang kamatayan kasunod ng nakatakdang pagbitay kay Mary Jane Veloso sa Indonesia.
Ayon kay Dante Jimenez, founding chairman at pangulo ng VACC, talamak sa bansa ang problema sa ilegal na droga kung saan nagagawa pa ng mga drug lord na makapagpatuloy ng kanilang transaksyon kahit nasa loob ng piitan.
Matatandaang noong nakaraang Disyembre, nadiskubre ng awtoridad na tuloy ang operasyon ng ilang sindikato kahit nakapiit sa maximum security prison sa National Bilibid Prison.
Tags: anti-crime crusaders, drug lords, illegal drugs, National Bilibid Prison, VACC