Deadline ng pagsusumite ng SOCE ng mga kandidato noong nakaraang halalan, bukas na

by Radyo La Verdad | June 7, 2016 (Tuesday) | 7943

SOCE-01
Muling nagpaalala ang Commission on Elections sa mga kumandidato sa nakaraang halalan na magsumite nang kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.

Bukas, June 8 ang deadline ng filing ng SOCE at hanggang alas singko ng hapon lamang ito tatanggapin ng COMELEC.

Inaasahan na rin ng poll body na marami ang last minute filers dahil hanggang kahapon ay kakaunti pa lamang ang nagpapasa ng kanilang mga SOCE.

Sa mga kumandidato sa pagka presidente at bise presidente, isa man sa kanila ay hindi pa nagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures.

(UNTV RADIO)

Tags: ,