DBM, maglalabas ng P11B share para sa mga LGU mula sa excise tax ng tobacco

by Radyo La Verdad | March 11, 2016 (Friday) | 3645

butch-abad
Nakatakdang maglabas ang Department of Budget and Management ng P10.69B na share para sa ilang local government units (LGUs) na pangunahing pinanggalingan ng mga produktong tobacco.

Magmumula ito sa 2013 na koleksiyon ng excise tax ng cigarettes at buwis na nakolekta sa tobacco ng locally manufactured na Virginia type cigarettes gayundin ng burley at native tobacco.

Mapupunta sa Candon City, Ilocos Sur ang pinakamalaking bahagi nito na P356.9 million dahil sa kinikita nitong hindi bababa sa P160M taun taon mula sa tobacco.

Sumunod ang Cabugao, Ilocos Sur na P331B at ang Balaoan, La Union na P320B at ang iba pang probinsya sa Ilocus Sur.

Ayon kay Budget Secretary Butch Abad, magagamit aniya ito para sa mga proyektong magpapalaki sa production at kita ng mga tobacco farmers sa nasabing mga probinsiya.

“These funds will certainly aid LGUs, especially those with lower annual incomes, to implement projects that will enable tobacco farmers to increase their productivity and income,” Ani Abad.

Hihingan na lamang aniya ng DBM ang naturang mga LGUs ng detalye ng mga programa nito base sa kanilang natanggap na pondo para aniya matiyak ang transparency at accountability sa paggastos ng naturang share.

(Jerico Albano / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , , ,