DBM, aminadong may maliit na budget ang opposition lawmakers

by Radyo La Verdad | December 21, 2017 (Thursday) | 3155

Pinabulaanan ng Department of Budget and Management na walang ibinigay na pondo sa mga mambabatas na kasapi ng oposisyon.

Gayunman, inamin ni DBM Secretary Benjamin Diokno na ibinaba o binawasan ang budget sa proposed projects ng mga ito.

Ang isa aniya sa mga pinagbasehan dito ay ang ginagawang assessment sa mga proyektong inirerekomenda sa kanila ng mga local officials at mga mambabatas. Pinag-aralan anilang mabuti kung ito ba ay karapat-dapat na mapondohan.

Tiniyak rin ng kalihim na hindi nila gagamitin ang alokasyon ng pondo bilang political tool ng administrasyon upang maisulong ang mga priority bills nito.

Walang detalyeng inilabas ang DBM kung anu anong mga proyekto ng mga opposition lawmakers ang nabawasan ng budget.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,