Dayuhang kidnap for ransom syndicate nahuli ng PNP-Anti Kidnapping Group

by Radyo La Verdad | July 20, 2017 (Thursday) | 4319


Iprinisinta na Philippine National Police Anti-Kidnapping Group ang apat na put tatlong Chinese at Malaysian Nationals na suspect sa pag dukot sa isang Singaporean nito lang July 17

Siyam na milyong piso ang hiningi nilang ransom sa Singaporean kanilang dinukot sa Solaire Resorts and Casino sa Pasay City.

Taong 2015 pa umano nag o-operate ang naturang sindikato sa Pilipinas at puro mga Foreign National na naglalaro sa casino ang kanilang binibiktima.

Modus ng grupo na matyagan ang mga casino player na natatalo sa sugalan.

Kinakaibigan nila ito at inaalok na pauutangin ng malaking halaga saka yayaain na maglaro sa ibang lugar.

Sumailalim na sa inquest procedure ang mga ito at kinasuhan ng illegal detention

Mayroon namang ilan na aapila sa korte dahil sinasabing nadamay lamang umano sila.

Subalit ayon sa PNP, magkakasama lahat sa iisang kwarto sa Bayview Hotel ang mga suspect nang mahuli ang mga ito. Patuloy namang hinahanap ang lider ng grupo na nakatakas.

Ayon sa pnp, may isa pang kidnapping syndicate na nag o-operate sa bansa ang kanilang minomonitor.

Katuwang naman ng PNP ang mga casino management upang mahinto ang ganitong klaseng modus.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,