Davao City Mayor Rodrigo Duterte, napanatili ang lamang sa presidential survey matapos ang “rape comment issue” – Pulse Asia

by Radyo La Verdad | April 27, 2016 (Wednesday) | 3104

PULSE-ASIA
Hindi naapektuhan ang rating ni Mayor Rodrigo Duterte pagkatapos ng Australian missionary “rape comment” issue.

Batay ito sa bagong non commissioned pulso ng bayan survey ng Pulse Asia na isinagawa noong April 16 hanggang 20 sa 1800 registered voters.

Nanguna pa rin si Duterte na may 35 percent, pangalawa si grace Poe na may 23 percent, statistically tie naman sa ikatlong pwesto sina Mar Roxas at Vice President Jejomar Binay na may 17 at 16 percent at pangapat si Senator Miriam Defensor Santiago na may 2 percent.

Malaki pa rin ang nakuhang suporta ni Duterte sa National Capital Region na may 40 percent at sa Mindanao na may 58 percent.

Sa bagong survey, nakuha na rin ng Davao mayor ang malaking rating sa Visayas Region.
Samantalang malaki pa rin ang survey rating ni Poe sa ilang bahagi ng Luzon.

Sa pahayag ng kampo ni Duterte, ipinapakita lamang nito na hindi tumatalab ang pangaatake sa kaniya.

Ngunit ayon sa political analyst na si Ramon Casiple, hindi pa ito ang buong repleksyon ng isyu kay Duterte.

Sinabi ni Casiple, kung malalampasan ni Duterte ang mga isyu tulad ng usapin sa kaniyang mga naging pahayag sa pagputol ng Pilipinas sa relasyon sa Australia at US, PWD remarks at mapanatili pa rin niya ang kaniyang trend, si Duterte na ang best candidate.

Napanatili naman ni Senator Bongbong Marcos sa unang pwesto sa vice presidential survey na may 29 percent, ikalawang pwesto si Camarines Sur Representative Leni Robredo na may 24 percent at pangatlo si Senator Chiz Escudero na 18 percent, pangapat si Senator Alan Peter Cayetano na may 16 percent, 4% naman ang nakuha ni Senators Gringo Honasan at 3% Antonio Trillanes.

Malaki ang rating ni Marcos sa NCR at ilang bahagi ng luzon, si Robredo naman ay nakuha ang malaking suporta ng Visayas Region, samantalang si Cayetano naman ay nakuha ang malaking rating sa Mindanao.

Samantala, nangunguna sa senatorial post sina Tito Sotto, Franklin Drilon at Pangilinan, kasama rin sa magic 12 sina Panfilo Lacson, Migz Zubiri, Manny Pacquiao.

Osmena, Hontiveros, Recto, Gordon, Gatchalian, Villanueva at De Lima.

Ang naturang survey ay margin of error na plus minus 2.3 percent

(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)

Tags: , ,