Davao City Mayor Rodrigo Duterte, nanguna sa bagong presidential survey ng SWS

by Radyo La Verdad | April 11, 2016 (Monday) | 1341

SURVEY
Si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang nanguna sa bagong Presidential race survey ng Social Weather Stations.

Nakakuha si Duterte ng 27 percent, pangalawa sa pwesto si Senator Grace Poe na may 23 percent, pangatlo si Vice President Jejomar Binay na may 20 percent, pang-apat si Mar Roxas na may 18 percent at panglima si Senator Miriam Defensor Santiago na may 3 percent.

Ayon sa Political analyst na si Ramon Casiple, nakatulong ang kampanya kontra krimen ni Duterte sa kaniyang survey rating.

Nanguna naman sa Vice Presidential preferences survey si Senator Bongbong Marcos na may 26 percent, ngunit dikit pa rin ang lamang nito kay Senator Chiz Escudero na may 21 percent at Camarines Sur Representative Leni Robredo na may 19 percent, pangapat sa pwesto si Senator Alan Peter Cayetano na may 13 percent at parehong nakakuha ng 5 percent sina Senators Antonio Trillanes the fourth at Gringo Honasan.

Ayon kay Casiple, malaki ang posibilidad na mabago pa ang mga rating ng mga Vice Presidentiable dahil sa debate nitong Linggo.

Samantala, nanguna naman sa preferences survey for Senator sina Franklin Drilon, Tito Sotto, Kiko Pangilinan, Panfilo Lacson, Leila De Lima, Migz Zubiri.

Pasok rin sa winning circle sina Manny Pacquiao, Risa Hontiveros, Serge Osmena, Ralph Recto, Dick Gordon at Joel Villanueva.

Para sa kampo ni Duterte, hindi mahalaga sa kanila kung mababa o mataas man ang kanilang rating sa mga pre election survey.

Ayon naman kay LP Spokesman Congressman Barry Gutierrez, banta sa demokrasya si Duterte at nanawagan na pumanig ang taumbayan kay Mar.

Sa pahayag naman ng kampo ni VP Binay, ikinatutuwa pa rin nila ang resulta ng survey dahil sa trend ng pagbaba ng ratings nina Poe at Duterte.

Magsisilbi namang inspirasyon kay Marcos ang lumabas sa Vice Presidential survey.

Isinagawa ang survey noong March 30 hanggang April 2 sa 1500 respondents kung saan 92 percent o 1,377 ay validated voters.

(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)

Tags: ,