Lumaki ang lamang ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa ibang presidentiable sa bagong survey ng Pulse Asia.
Nakakuha si Duterte ng 30 percent, pangalawa si Senator Grace Poe na may 25 percent, statistically tied sa pangatlong pwesto sina Vice President Jejomar Binay at Mar Roxas na may 20 at 19 percent ratings at pang-apat si Miriam Defensor Santiago na may 2 percent.
Nakakuha ng mataas na rating si Duterte sa Mindanao Region na may 55 percent at sa National Capital Region may 32 percent, malaki naman ang nakuha ni Poe sa ilang bahagi ng Luzon na may 31 percent.
Samantala, nanguna naman si Senator Bongbong Marcos Junior sa Vice Presidential survey na may 28 percent, statistically tied naman sa ikalawang pwesto sina Camarines Sur Representative Leni Robredo at Senator Chiz Escudero na may 22 at 21 percent ratings, pangatlo sa pwesto si Senator Allan Peter Cayetano na may 15 percent, parehong nakakuha naman ng single digit ratings sina Senators Antonio Trillanes the fourth at Gringo Honasan na may 5 at 4 percent ratings.
Nanguna naman sa Senatorial post sina Tito Sotto, Franklin Drilon, at Kiko Pangilinan.
Nakapasok rin sa magic 12 sina Panfilo Lacson, Migz Zubiri, Leila De Lima, Serge Osmena, Ralph Recto, Manny Pacquiao, Dick Gordon, Joel Villanueva at Risa Hontiveros.
Isinagawa ang survey noong March 29 hanggang April 3, 2016 sa 4,000 registered voters kung saan may plus minus 1.5 percent margin of error at may 95 percent confidence level.
(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)