Dating Senador Honasan, nanumpa na bilang bagong DICT Secretary

by Erika Endraca | July 2, 2019 (Tuesday) | 5751
(c) PCOO

MANILA, Philippines – Nanumpa na bilang bagong kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT)  si dating Senador Gringo Honasan.

Pinangunahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang Kahapon (July 2). Dumalo na rin ito sa unang pagkakataon sa cabinet meeting ng punong ehekutibo. 

Tiwala naman ang Duterte administration na magagampanan ng mabuti ni Secretary Honasan ang kaniyang bagong tungkulin lalo na’t inaasahan na ang pagsisimula ng national fiber optic cable at operasyon ng pangatlong major telecommunications player sa bansa.

Umaasa rin ang malacañang na maipagpapatuloy ng opisyal ang mabubuting plano at programa ni DICT Oic Eliseo Rio. Si Secretary Honasan ay may 21 taong nagsilbi bilang senador, at 16 na taon bilang military officer.


Tags: ,