Dating PNP SAF Chief Gen. Getulio Napeñas, pinatawag ng DOJ kaugnay ng Mamasapano Incident.

by dennis | May 13, 2015 (Wednesday) | 1616
File photo
File photo

Pinatawag ng Department of Justice si dating PNP-SAF Chief General Getulio Napeñas para sa isang clarificatory hearing kasama ang kaniyang abogado na si Atty. Vitaliano Aguirre kaugnay ng Mamasapano incident.

Ayon kay Atty. Aguirre, may ilang bagay lamang na nilinaw ang Department of Justice patungkol sa kaso sa Mamasapano at isa umano sa mga pangunahing tinanong sa kanila ay ang naging involvement ng mga Amerikano sa pangyayari ngunit ayon sa kaniya ay hindi naman nila alam ang tungkol doon.

Dagdag pa ng abogado ni Napeñas, bahagi ito ng preliminary investigation para sa kriminal na aspeto na isinasagawa ng kagawaran upang papanagutin ang mga pumatay sa mga SAF troopers sa Mamasapano, Maguindanao.

Tumagal ng halos apat na oras ang naturang hearing sa DOJ, habang tumanggi namang magbigay ng kaniyang pahayag si Napeñas.(Jerolf Acaba

Tags: , , ,