Nagpahayag na ng suporta si dating Pangulong Benigno Aquino III sa bubuuing senatorial slate ng Liberal Party.
Bagamat hindi pa kumpleto ang line-up ng opposition group, handa umano ang dating Pangulo na lumabas at isa sa mga aktibong mangunguna sa kampanya para sa 2019-midterm elections.
Para sa dating Pangulo, ang midterm elections ang magiging sukatan kung kuntento ang taumbayan sa pamamahala at polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero isinantabi ni Aquino ang posibilidad na makasama siya sa senatorial slate ng Partido Liberal.
Para naman sa mga kaalyadong senador, mahalaga sa opposition group ang pahayag na ito ni Aquino.
Wala namang direktang sagot ang dating presidential candidate na si Mar Roxas kung sasabak at sasama rin sa senatorial line-up ng LP.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: 2019-midterm election, Liberal Party, opposition group