Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman na magbigay ng paliwanag si dating Pangulong Benigno Aquino The Third sa mosyon na inihain laban sa kaniya kaugnay ng Disbursement Acceleration Program.
Naghain ng mosyon si Rep. Carlos Isagani Zarate upang kwestyunin kung bakit hindi kasama si dating Pangulong Aquino sa mga dapat kasuhan sa DAP.
March 7 ng maglabas ng resolusyon ang Ombudsman na nakakita ng katibayan upang kasuhan si dating Department of Budget and Management Florencio Abad subalit inalis ang pangalan ng dating pangulo.
Binigyan ng labing limang araw si dating Pangulong Aquino na ihain ang kanyang komento kaugnay ng isyu ng DAP.