Dating Gen. Garbo at misis nito, kinasuhan ng NBI dahil sa unexplained wealth

by Radyo La Verdad | November 30, 2017 (Thursday) | 2218

Falsification of public documents, paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at violation sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang mga reklamong isinampa ng National Bureau of Investigation sa Office of the Ombudsman laban kay dating PNP Deputy Director General for Operations Marcelo Garbo at kaniyang asawa.

Ang reklamo ay may kaugnayan sa pagkakamal umano ni Garbo ng tagong yaman. Pero makalipas ang 10 taon, umakyat na ito sa mahigit 44 million pesos.

Ayon sa NBI, hindi pa kasama rito ang golf club shares, limang luxury vehicles, isang high end na motorsiklo, golf cart at shares of stocks ni Garbo na aabot sa mahigit 18 milyong piso.

Subalit ayon sa NBI, nasa 5 million pesos lang ang estimated income ng dating police general at maybahay nito sa loob ng sampung taon.

Naghain rin ng forfeiture of properties in favor of the government petition ang NBI. Inaalam din sa ngayon ng ahensya kung may property sa Amerika ang pamilya Garbo.

Matatandaang isa si Garbo sa limang narco generals na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa NBI, may bukod na imbestigasyon kaugnay dito ang ahensya.

 

( Rajel Adora / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,