Sa isang panayam, sinagot ni dating Dangerous Drugs Board Chair Dionision Santiago ang akusasyon ng katiwalian ng Malakanyang. Ayon sa dating opisyal, totoong nagbyahe siya palabas ng bansa kasama ang kaniyang asawa, ngunit opisyal umano ang kaniyang mga lakad.
Ang asawa rin umano niya ang nagbayad para sa sarili nito sa mga naturang byahe. Pinabulaanan din nito na siya ang Santiago na tinutukoy na nakatanggap ng bahay mula sa mga Parojinog.
Samantala, itinanggi rin ng Dangerous Drugs Board Employees Union na sa kanila galing ang sulat na inilabas ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Katunayan umano, hindi opisyal na letterhead ng unyon ang ginamit dito. Hindi rin umano miyembro ng union ang signatory sa letter na si Priscilla Herrera.
Bagamat mayroon umanong tauhan ang DDB sa ganitong pangalan ay itinanggi nito na siya ang sumulat sa Malakanyang.
Tags: akusasyon, Dionisio Santiago, Malakanyang