Dating BOC Chief Nicanor Faeldon, pinadidismiss ang drug smuggling complaint ng PDEA

by Radyo La Verdad | October 6, 2017 (Friday) | 2977

Naghain ng mosyon sa Department of Justice si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon upang ma-dismiss ang drug smuggling complaint ng PDEA laban sa kanya. Kaugnay ito ng mahigit anim na raang kilo ng shabu na naipuslit mula sa China at nasamsam sa isang bodega sa Valenzuela City.

Katwiran nito, Ombudsman ang dapat mag imbestiga dito dahil nangyari ang akusasyon noong siya pa ang Customs chief. Binigyan ng DOJ ng limang araw ang PDEA upang sagutin ang mosyon.

Sasagutin din ni Faeldon ang mga akusasyon ng PDEA sa hiwalay na counter affidavit.

Sumalang rin sa preliminary investigation kahapon ang iba pang dating opisyal ng Customs nainireklamo ng PDEA.

Dumalo rin sa pagdinig ang mga tauhan ng NBI na dinawit ng PDEA sa reklamo kahit pa sa kanila galing ang ebidensiya.

Itinakda ng DOJ panel ang susunod na pagdinig sa October 19 upang tanggapin ang kontra salaysay ng mga respondent.

 

( Roderic Mendoza / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,