Dalawang pulis, nagbarilan sa Caloocan City

by Radyo La Verdad | September 18, 2017 (Monday) | 1807

Nauwi sa barilan ang away ng dalawang pulis sa Caloocan City noong Sabado. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, kumakain sa isang canteen sa Mabini street si PO2 John Dela Fuente nang kumuha ng toothpick mula sa kanyang mesa ang isang Danny Sta. Maria.

Nabastusan umano si Dela Fuente sa ginawani Sta. Maria at kahit na humingi na ito ng paumanhin ay pinagsisigawan pa rin ng pulis. Dito na nagkasagutan ang dalawa na nauwi sa suntukan ngunit naawat din ng mga tao.

Umalis si Sta. Maria ngunit muling bumalik kasama na ang isang pulis-Caloocan na si SPO1 Rommel Bautista. Una umanong bumunot ng baril si Dela Fuente ngunit naunang magpaputok si Bautista na nauwi na sa palitan ng putok ng baril.

Aabot sa labingtatlong basyo ng bala ang narekober sa crime scene. Isinugod naman sa Caloocan City Medical Center si SPO1 Bautista na nagtamo ng tama ng bala sa hita.

 

Tags: , ,